June 20, 2008
Sabi mo
ako’y iyong ginising
sa pagkakagupiling.
Nangako ka
ng isang bituin.
Salamat.
Pero sana
ipagtayo mo rin ako
ng poso;
kailangan ko ng tubig
na pantanggal-muta,
nang aking maaninag
ang ningning
ng iyong pangako.
Leave a Comment » |
hiraya ng hugis at tunog | Tagged: bituin, nigning, pangako, poso, tubig |
Permalink
Posted by ferayag
June 20, 2008
Kagabi,
sa pusod ng dilim,
isa akong
ulilang sagwan,
kinukutib
ng mga alon
sa gitna ng laot.
Nakatingala
sa kulay alkitran
na langit,
nakamasid
sa mga pundidong bituin,
habang sunung-sunong
ang unti-unting natutunaw
na buwan.
Leave a Comment » |
hiraya ng hugis at tunog | Tagged: alkitran, bituin, buwan, dilim, laot, natutunaw, sagwan |
Permalink
Posted by ferayag