Just becoz I’m not a graduate of UP
and I aint got no MA or PhD,
nor do I have the latin surname laude
casual akong puwedeng masisante
anytime, even without notice ‘mare.
Hasa man ako sa mga diskarteng
pangklasrum, mag-somersault man sa klase,
tumimo lang sa student’s kukote
the lessons that I weave araw at gabi.
Gosh! sadya nga bang buhay ay ganire
dine sa ‘ting premiere university?
Gee! tuluyan na nga kayang napundi
ang Liwanag? Ningning ang humalili?
O dear idols ng mga estudyante,
my colleagues, mga kapwa ko casual(ty)
kumapit sa payroll, wag magpahuli.
Dream! makibeso at maghapi-hapi
luhuran, himurin ang RGEP.*